Tampilkan postingan dengan label Tagalog. Tampilkan semua postingan
Tampilkan postingan dengan label Tagalog. Tampilkan semua postingan

Kamis, 05 Februari 2015

Pagkakaibigan by Hangad - Video and Lyrics

By: Hangad


I
Ang sinumang sa aki’y nananahan,
mananahan din ako sa kanya
At kung siya’y mamunga nang masagana,
S’ya sa ama’y nagbigay ng karangalan.

Koro1
Mula ngayon, kayo’y aking kaibigan,
 hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibiga’y mag-aalay ng sarili n’yang buhay,
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.

II
Kung paanong mahal ako ng aking ama,
 sa inyo’y aking ipinadarama.
Sa pag-ibig ko kayo sana ay manahan,
At bilin ko sa inyo ay magmahalan. (koro1)

III
Pinili ka’t hinirang upang mahalin,
Nang mamunga’t bunga mo’y panatilihin.
Humayo ka’t mamunga nang masagana.
Kagalakang walang-hanggang ipamamana.

Koro 2
Mula ngayon, kayo’y aking kaibigan,
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibaiga’y mag-aalay ng sarili n’yang buhay,
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.

Pagkakaibigan

Jumat, 09 Januari 2015

Tanging Yaman Lyrics - Bukas Palad

By: Bukas Palad


Chorus:
Ikaw ang aking,
Tanging yaman  
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong, kariktan
Sulyap ng iyong, kagandahan

Verse:
Ika'y, hanap sa twina
Nitong pusong ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga,
Nangungulila sa 'yo sinta
(repeat chorus)

Verse:
Ikay, hanap sa twina,
Sa kapwa ko kita laging nadarama
Sa iyong mga likha,
Hangad pa ring masdan
Ang yong mukha . . .
(repeat chorus)

Kamis, 13 November 2014

Unang Alay Lyrics

Refrain
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong, ‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.

Verse 1
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
Pagkaing nagbibigay ng buhay mo.
At alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay-lakas.

Refrain
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong, ‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.

Verse 2
Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
Lahat ng lakas at kahinaan ko.
Inaalay ko’ng lahat buong pagkatao.
Ito ay isusunod sa’yo.

Refrain
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong, ‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.

Verse 3
Ang bayang inibig mo ngayo’y umaawit
sa ‘yo ay sumasamba’t
Nananalig umaasang diringgin ang bawat
Dalangin sa alay na ‘toy nakalakip

Refrain
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala
mo Tanda ng bawat pusong, ‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.

end
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.

Senin, 10 November 2014

Balang Araw Lyrics


I
Balang araw, ang liwanag matatanaw ng bulag;
Ang kagandahan ng umaga,
Pagmamasdan sa tuwina.
Aleluya, aleluya

Koro
Narito na’ng manunubos,
Luwalhatiin ang Diyos.

II
Pasasalamat at papuri, awit ng luwalhati.
Aleluya, aleluya

Koro
Narito na’ng manunubos,
Luwalhatiin ang Diyos.

III
Balang araw, tatakbo ang pilay at ang lumpo;
Magsasayaw sa kagalakan,
Iindak sa katuwaan.

Koro
Narito na’ng manunubos,
Luwalhatiin ang Diyos.

II
Balang araw, mumutawi sa bibig ng mga pipi,
Pasasalamat at papuri, awit ng luwalhati.

Luwalhatiin 5x

Ang Diyos.

Jumat, 24 Oktober 2014

Iniibig Kita Lyrics



Kulang ang araw at gabi
'pag kita'y kapiling.

Kahit ang bukas ay 'di rin sapat
upang mamasdan lamang kita.

Labis kitang minamahal,
pag-ibig ko'y walang kapantay.

Kung kaya ko lang abutin ang mga bituin
t'yak ito'y gagawin.

chorus
Malaman mo lang wala nang ibang
mas hihigit pa sa pag-ibig ko sa'yo.

Written by: Maestro Ryan Cayabyab
Walang ibang nagmamahal nang tulad ko
sana'y paniwalaan mo.
Iniibig kita.

Kulang ang araw at gabi
'pag kita'y kapiling.

Kahit ang bukas ay 'di rin sapat
upang mamasdan lamang kita.

Labis kitang minamahal,
pag-ibig ko'y walang kapantay.

Kung kaya ko lang abutin ang mga bituin
t'yak ito'y gagawin.

chorus
Malaman mo lang wala nang ibang
mas hihigit pa sa pag-ibig ko sa'yo.

Walang ibang nagmamahal nang tulad ko
sana'y paniwalaan mo.
Iniibig kita.

Iniibig kita.
Iniibig kita.
Iniibig kita.


Selasa, 09 September 2014

Sumasamba, sumasamo Lyrics



Sa iyo iaalay ang buhay at kalakasan.
Sa pagkat ito ang nararapat
sa katulad mong matapat

Dahil sa  pag-ibig mo
ang buhay ko ay nagbago
Sa t’wina ang ninanais ko
ay laging maglingkod sa iyo

Sumasamba sumasamo
naghahandog sa ngalan mo
Pagkat sa’yo  ay nadama
ang pagmamahal  ng ama

Sa iyong kabanalan
biyaya mo ay nakamtan
Sa iyo ay may kagalakan
at buhay na walang hanggan.

Tunay kang maginoo
namalas ko sa kalbaryo
buhay man inalay mo
o kristo  upang maligtas  ang tao

Sumasamba sumasamo naghahadog
sa ngalan mo ‘pagkat sa’yo
ay nadama ang  pagmamahal  ng ama.


Selasa, 19 Agustus 2014

Nariyan Ka Lyrics - Bukas Palad

By: Bukas Palad

Koro:
Saan man ako magpunta
Nariyan Ka, nariyan Ka
Anumang kahihinatnan
Buhay ko'y 'Yong tangan
Nariyan Ka, nariyan Ka

Verse 1
Matatakasan ba
Ang yakap Mong lingap-aba
Abutin man ang karimlan
Tiyak kong nariyan Ka
Repeat Koro

Verse 2
Bawat kilos ko
Bawat tibok ng puso ko
Batid Mo na'ng lahat
Pagkat sa 'Yo nagmumula
Repeat Koro

Verse 3
Di matatarok
Kadakilaan Mo, Ama
Higit pa sa bilang ng talaga
Ang Iyong himala
Repeat Koro

Verse 4
Di lingin sa 'Yo
Ang kahinaa't sala ko
Ituro Mo'ng wastong daan
Tungo sa 'Yong tahanan
Repeat Koro

Recent Post